Supporters ng mga Kandidato, Naging Mainit at Agresibo!

Jones, Isabela – Kinumpirma ng PNP Jones na naging mainit at agresibo ang mga supportes ng mga kandidatong kapitan ng Barangay Uno, Jones, Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Rex Pascua,hepe ng PNP Jones na kahapon ng gabi ay sunud sunod ang ipinarating na reklamo ng mga magkabilang supporters kung saan ay may sari-sarili umanong alegasyon ang bawat panig na wala naman naging basehan.

Sinabi pa ni Inspector Pascua na inimbitahan na lamang niya sa kanyang tanggapan ang mga kandidato upang ayusin ang mga reklamo ng kanilang mga supporters.


Naging full force naman umano ang kapulisan ng Jones ngunit wala naman naganap na hindi maganda bago ang eleksyon.

Samantala, naging abala din umano ang kapulisan ng Jones sa augmentation force, reaction team at tactical operation team sa pagsuporta at paggabay sa mga Board of Election Inspectors sa distribusyon ng mga election paraphernalias.

Nilinaw pa ni Pascua na hanggang sa maibalik ang mga ballot boxes sa comelec ang augmentation force ng PNP Jones.

Facebook Comments