Manila, Philippines – Naghain ng Motion for Reconsideration sa Korte Suprema o sa Presidential Electoral Tribunal ang supporters ni Vice President Leni Robredo.
Ito ay para hilingin sa tribunal na payagan silang tumulong sa pangangalap ng karagdagang pondo para makumpleto ang 7.4-million pesos na counter protest fee ni Robredo laban kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa ” Piso para sa Laban ni Leni movement,” mayroon na silang nakalap na halos 7 milyong pisong pantustos sa counter-protest ni Robredo.
Una nang binasura ng Kataas-taasang Hukuman o ng Presidential Electoral Tribunal ang kahilingan ng grupo na pagbigyan silang makatulong sa pangangalap ng pondo para sa P7.4 million counter protest ni Vice Robredo kaya muli silang naghain ng apela.