SUPPORTIVE | Pagpo-post ni Nadine Lustre ng sexy photos, okay lang kay James Reid

Manila, Philippines – Wala raw kaso kay James Reid ang pagpo-post ng girlfriend niyang si Nadine Lustre ng mga sexy photo.

Kamakailan lang nang magbakasyon sa isang disyertong lugar sa Joshua Tree, California ang magkasintahan kung saan sunud-sunod na post ng super sexy na bikini-bottom shot ang ibinahagi ni Nadine sa kanyang instagram.

Sabi ng aktor, walang dahilan para magselos o pagbawalan niya si Nadine dahil komportable naman sa kanyang katawan ang aktres.


Natatawang “No!” naman ang naging sagot ni James nang tanungin siya kung nag-propose na ba siya kay Nadine.

Hanggang ngayon kasi ang mainit pa rin ang isyung nagli-live in na raw ang dalawa.

Facebook Comments