Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez: Dumalaw, Nakiramay, Pagkamatay ni Judge Ricky Begino, Walang Kwenta… Krimen, Dapat Imbestigahang Mabuti

595

Labis-labis din ang kalungkutan ng mga kawani ng Supreme Court nang mabalitaan nito ang pagbaril-patay sa bayan ng Presentacion kay Judge Ricky Begino ng MTC Lagonoy-San Jose sa Camarines Sur.
Ito ang napag-alaman matapos mabatid ng DWNX ang pagdalaw ni Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez sa lamay ni Judge Begino para ipaabot ang pakikiramay sa pamilya ng pinatay na huwes.
Sa panayam ni RadyoMaN Grace Inocentes ng RMN Naga – DWNX kay Marquez, sinabi nito na personal siyang pinakisuyuan ni Acting Chief Justice Antonio Carpio na personal na dalawin ang lamay ng huwes para ipaabot ang mensahe ng kanilang kalungjutan at pakikiramay, kasabay ng panawagan sa pulisya na resulbahin ang walang kwentang pakamatay ng buthing huwes ng MTC Lagonoy-San Jose.
Ayon sa pahayag ni Marquez: “ Talagang bumisita tayo dito sa Naga, ano, upang makiramay sa mga naiwan ni Judge Ricky Begino. Noong araw pa lang na nabalitaan natin na pumanaw si Judge Ricky, ibinalita natin kay Acting Chief Justice Carpio at sinabi niya na mabuti pa pumunta ako ditto, kaya pumunta tayo ditto para makiramay at para seguraduhin din, ano, na ginagawa n gating mga kapulisan ang dapat na imbistigasyon na gawin. Tayo naman din ay nagpapasalamat dahi; mukhang nahuli naman ang suspect…” idinagdag pa ni Marquez na mas mabuting imbistigahan talaga ang kasong ito, baka sakaling may nag-utos sa suspect na patayin ang biktima. Sinabi pa ni marquez na lumalabas na walang kwenta talaga ang pagkamatay ni Judge Begino, kung kayat dapat itong imbistigahang mabuti.
Magugunitang binaril si Judge Ricky Begino ng suspect na kinilalang si Wilfredo Armea y Bruzo, edad 73 ng kaparehong lugar. Ang suspect ay kilalang kamag-anak din lang ng biktima.
Ayon sa pahayag ng babaeng kapatid ng huwes, naganap ang krimen nitong martes ng hapon bandang alas 5 habang naghahanda ang huwes para ihatid sa Naga City ang kanyang maybahay. Bigla na lamang umanong lumapit sa likuran ni Judge Begino si Wilfredo at binaril ito habang nakatalikod ang biktima.
photo of Judge Ricky Begino taken from his fb account.

Facebook Comments