NBA | LA Lakers – paboritong koponan na dapat lipatan ni LeBron James

63

‘Early Favorites’ sa mga pustahan ang Los Angeles Lakers bilang koponan na dapat lipatan ni NBA Superstar Lebron James.

Batay sa betting site a Oddsshark, marami ang bumoto sa Lakers habang nasa second spot ang Philadelphia 76ers.

Pangatlo naman ang Houston Rockets at pang-apat ang Cleveland Cavaliers na kasalukuyang team ni King James.

Tabla sa ikalimang pwesto ang nag-aagawan ding Boston Celtics at San Antonio Spurs.

Sa ngayon, may player option si Lebron na manatili sa Cavs pero pwede rin niyang piliin na maging free agent sa hulyo.

Facebook Comments