Nagpulong kanina sa Korte Suprema sina Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo at Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar para plantsahin ang mga panuntunan sa paggamit ng mga pulis ng body cameras.
Partikular sa pagsisilbi ng warrant of arrest gayundin ng search at seizure warrants.
Ayon sa Korte Suprema, sa lalong madaling panahon ay mailalabas na ang panuntunan pero wala pang eksaktong petsa kung kailan ito tuluyang mapaplantsa.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagharap ang PNP officials at ang mga mahistrado ng Supreme Court.
Bukod sa pagsusuot ng mga pulis ng body camera, kabilang din sa napag-usapan ang hinggil sa panggigipit, pagbabanta sa buhay at ang sunud-sunod na pagpatay sa mga abogado.
Facebook Comments