Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin, gustong ipaurong ang botohan sa Marcos-Robredo Election Protest

Inamin ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na nais niyang maiurong ang botohan kaugnay ng Electoral Protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Bersamin, mas gusto niyang maipagpaliban ang botohan hanggang siya ay makapagretiro upang hindi isipin ng publiko na minamanipula nila ang resulta.

Hindi niya nagustuhan na ang mga espekulasyong niluluto ang reklamo.


Paglilinaw ng punong mahistrado, bahagi ng due process ang paghingi ng komento sa magkabilang panig bago maglabas ng sariling desisyon.

Ito kasi ang magiging basehan ng Korte Suprema kung ibabasura ba o ipagpapatuloy ang poll protest.

Pero panahon na aniya para magkomento ang kampo nina Marcos at Robredo hinggil sa isinumiteng report ni Associate Justice Benjamin Caguioa na siyang ponente ng kaso.

Binigyan ng 20-araw ang dalawang kampo para magkomento.

Samantala, nakatakdang magretiro bukas si Bersamin.

Facebook Comments