House Speaker Alan Peter Cayetano, ipapaubayan na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu ng term-sharing

336

Ipauubaya ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte kung papalawigin o ipapasa na ang kanyang termino.

Base sa huling napagkasunduan, hahawakan ni Cayetano ang posisyon sa 15 buwan habang si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang magiging kahalili ni Cayetano sa nalalabing 21 buwan ng 18th Congress.


Ayon kay Cayetano, walang dapat ikabahala dahil nananatili pa rin ang utos ng pangulo kaugnay ng term sharing.

Batid pa rin ni Cayetano ang pagiging independent ng Kongreso mula sa executive branch ng pamahalaan.

Nagpasalamat naman si Cayetano sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng taumbayan.

Facebook Comments

From Advertisers