Pormal nang binuksan sa publiko ang Supreme Court Electronic Library o e-Library.
Bunga nito, maari nang mabasa at mapag-aralan ng publiko ang mga desisyon ng Korte Suprema.
Pinangunahan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang pagbubukas ng Supreme Court E-Library kasabay ng ginaganap ngayong araw na Media Training ng Korte Suprema dito sa Baguio City sa mga mamamahayag na nagko-cover sa Korte Suprema
Layunin ng free public access sa e-library na mas maging transparent at mas mapabuti ang access ng mga abogado, law professors, law students at legal researchers sa mga desisyon, resolusyon, issuances at rules of court.
Ito ay isang searchable database ng mga jurisprudence kabilang ang mga SC decisions at resolutions mula 1901 hanggang sa kasalukuyan.