Supreme court, isinapinal na ang desisyon na isailalim sa competitive bidding ang mga power distributors

Pinal nang nagdesisyon ang Korte Suprema na dapat isailalim sa competitive bidding ang lahat na power supply agreements na isinusumite ng mga distribution utility sa Energy Regulatory Commission o ERC mula o matapos ang June 30, 2015.

Ito ay makaraang ibasura ng Supreme Court En Banc ang motions for reconsideration na inihain ng ERC at ng Panay Energy Development Corporation.

Ayon sa korte, walang substantial argument na inilahad ang mga respondent sa kanilang motion for reconsideration para baligtarin ang nauna nilang pasya.


Pinagtibay ng hukuman ang naunang desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Antonio Carpio noong May 3, 2019 na nagdedeklara na may pagmamalabis o grave abuse of discretion sa panig ng ERC nang ipagpaliban nito ang pagpapatupad ng competitive selection process.

Sa kabila ito ng nagkabisa ang panuntunan noon pang June 30, 2015 sa ilalim ng 2015 DOE Circular bilang bahagi ng pagpapatupad sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA Law.

Wala raw kapangyarihan ang ERC para ipagpaliban ang pagpapatupad ng bidding.

Ayon sa Korte Suprema, layunin ng competitive public bidding requirement sa power sector na matiyak na patas, makatwiran at cost effective ang generation charge na ipapataw sa mga consumer.

Nag-ugat ang kasong ito sa petisyong inihain ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

Facebook Comments