Supreme Court, naglagay na ng dalawang multi-function disinfection chambers sa mga gusali nito sa Maynila

Naglagay na ang Korte Suprema ng dalawang makabagong makina para sa pag-disinfect ng mga papasok sa gusali ng Supreme Court.

Ito ay bilang paghahanda sa pagbabalik ng operasyon ng mga opisina sa Korte Suprema sa Maynila.

Dalawang multi-function disinfection chambers ang binili ng SC at ipinuwesto ang mga ito sa main building ng Korte Suprema at ang isa ay nasa Centennial Building.


Ayon sa SC, may kakayahan ang naturang mga makina para sa non-contact infrared temperature scanner, mayroong automatic na hand sanitizer at ultrasonic atomization system.

Tinawag ito ng Supreme Court bilang mga automated frontliners na bahagi ng pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19 sa bakuran ng SC.

Tiniyak din ni Chief Justice Diosdado Peralta na lahat ng empleyado ng SC ay isasailalim sa rapid testing sa sandaling magbalik na sa full operation ang Korte Suprema.

Facebook Comments