Mahigit 20 pasyente, gumaling sa COVID-19 sa Taytay, Rizal

Umakyat na sa dalawampu’t tatlo (23) ang gumaling matapos na maapektuhan ng COVID-19, kung saan 56 ang kumpirmado sa COVID-19 at siyam ang nasawi sa Taytay, Rizal.

Ayon kay Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula, pagdating sa pamamahagi ng ayuda, nasa first tranche pa rin ang Taytay, Rizal kung saan 91% pa lang kasi sila sa completion rate kaya’t patuloy ang kanilang pamamahagi ng ayuda.

Paliwanag ng alkalde na mahigpit pa rin ang kanilang pagpapatupad ng social distancing upang matiyak na hindi na mahahawaan at madagdagan pa ang mga residenteng nahahawaan ng nakamamatay na virus.


Giit ni Mayor Gacula na mahigpit ang kanyang tagubilin sa mga opisyal ng barangay na higpitan pa ang pagpapatupad ng social distancing at tiyakin na lahat ng mga residente na lumalabas ay mayroong quarantine pass upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga pasyenteng nahahawaan ng COVID-19.

Facebook Comments