MANILA – Tuloy na tuloy na ang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.Ito’y matapos ibinasura sa botong 9-5-1 ng mga mahistrado ang petisyon na humihiling na pigilan ang hero’s burial para sa dating Pangulo.Sa presscon ng Supreme Court (SC) kanina, sinabi ni SC spokesman Theodore na kinikilala ng SC ang karapatan ni Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani bilang isang dating sundalo.Bago ang pinal na desisyon, matatandaang dalawang beses na nagpalabas ng status quo ante order ang SC, una noong Agosto 31 at ikalawa noong September 8.Kabilang sa mga mahistradong pumabor sina Associate Justices Arturo Brion, Presbitero Velasco Jr, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano Del Castillo, Jose Perez, Teresita De Castro, Jose Mendoza, at Estela Perlas-Bernabe.Habang tumutol naman sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Marvic Leonen, Francis Jardeleza, at Alfredo Benjamin Caguioa.
Supreme Court, Pinaburan Ang Paglilibing Kay Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sa Libingan Ng Mga Bayani
Facebook Comments