MANILA – Ginawa ng Commission on Elections ang lahat para makumbinse ang Korte Suprema na bawiin ang utos nitong mag-imprenta ng resibo ang mga Vote Counting Machine.Sa oral arguments kahapon, sinabi ng COMELEC sa mga mahistrado na kung ipipilit ito ay hindi nila kakayanin ang eleksyon sa May 9.Malamang anila na sa May 23 na maidaos ang botohan.Iginiit pa ng COMELEC na kailangan nila ng sapat na panahon para baguhin ang source code ng mga makina.Dito ay ipinakita ni COMELEC Chairman Andres Bautista sa mga mahistrado ang proseso… at bilang resulta ay maayos namang nakapag-imprenta ang mga makina.Pero simple lang ang naimprentang resibo at wala ang security features nito.Ibig sabihin, hindi makikita ang lugar at kung saang presinto bumoto ang isang botante; oras ng pagboto at ang numero ng ginamit na balota.Ayon kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, para magkaroon ng security features – kailangang rebisahin ang source code.Lumalabas – kayang magsagawa ng halalan sa May 9 kung simpleng resibo lang ang i-i-imprenta.At matapos ang 30 minuto ay nagpasya na ang Supreme Court… kung saan sa pamamagitan ng botong 12-0, sinabi nitong pinaninindigan nila ang naunang kautusan at kailangang mag-isyu ng resibo sa mga botante.Pero sabi ni Bautista, kung simpleng resibo lang ang ipi-print na walang security feature – ay wala rin itong silbi.Ang problema pa anila, dahil sa pag-iimprenta ng resibo… tatagal ng mahigit 20 oras ang botohan kumpara sa itinakda nilang sampung oras lang.Sa halip aniya na matapos ng alas-5 ng hapon, baka abutin ito ng alas-3 ng madaling araw (kinabukasan).
Supreme Court – Pinanindigan Ang Naunang Kautusan Na Mag-Isyu Ng Resibo Sa Mga Botante Ang Commission On Election
Facebook Comments