Manila, Philippines – Hinimok ni Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio si Pangulong Rodrigo Duterte na magpadala ng Philippine Navy sa Scarborough Shoal kasunod ng plano ng China na magsagawa ng konstruksiyon sa naturang lugar.
Ito ay kasunod na rin ng pahayag ni Duterte na hindi mapipigilan ng Pilipinas ang China na magtayo ng mga istruktura sa Panatag Shoal.
Ayon kay Carpio, dapat gampanan ng pangulo ang kanyang constitutional duty na depensahan ang teritoryo ng bansa.
Nanawagan din si Carpio sa pangulo na maghain ng malakas na protesta laban sa Chinese building activity dahil ito lamang ang pinakamagandang solusyon na maaaring gawin ni Duterte ngayon.
Nararapat din aniyang pagbigyan na ni Duterte ang hirit ng US na magsagawa ng joint naval patrols West Philippine sea para maiwasan ng China na magtayo ng mga istruktura sa Panatag Shoal.
Bukod rito, hilingin rin aniya ng pangulo sa Amerika na ideklara ang Scarborough Shoal na bahagi ng Philippine territory para sa Philippines-US mutual defense treaty.
Giit ni Carpio, bahagi ang Shoal ng Philippine territory noong kasagsagan ng American colonial period.
Facebook Comments