Supt. Hansel Marantan na sangkot sa Atimonan rubout, balik serbisyo

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Highway Patrol Group Chief Police Chief Supt. Arnel Escobal na itinalaga na sa Office of the Director ng PNP-HPG si Supt. Hansel Marantan.

Si Supt. Marantan ang opisyal na nanguna sa nangyaring umanong rubout sa Atimonan Quezon noong 2013 na ikinasawi ng 13 tao.

Ayon kay Dela Rosa, naaprubahan ng affiliate board ng National Police Commission ang apela ni marantan kaya wala aniyang magagawa ang Philippine National Police kundi ibalik sa serbisyo ang opisyal.


Taong 2014 nang unang i-dismiss sa serbsiyo ni dating PNP Chief Alan Purisima si Marantan dahil sa nasabing rubout sa Atimonan.

Facebook Comments