Supt. Lito Cabamongan ang police officer na una nang naaktuhang nagsa shabu session sa Las Piñas, nagpositibo sa paggamit ng shabu ayon sa PNP

Manila, Philippines – Kumpirmadong gumagamit ng shabu ang police officer na si Supt. Lito Cabamongan na naaktuhang nagsa shabu session sa Las Piñas City nang nakalipas na Linggo.

Ito ang kinumpirma ni PNP Crime Lab Director Chief Supt. Aurelio Trampe.

Kasunod ang isinagawang confirmatory test kay Cabamongan ng mga tauhan ng PNP crime laboratory.


Nag egatibo naman ito sa paggamit ng marijuana batay sa confirmatory test.

Kapareho naman ang resulta ng confirmatory test kay Nedy Sabdao ang babaeng kasama ni Supt. Cabamongan na nagsa shabu session sa Las Piñas City.

Positibo rin ito sa shabu pero negatibo sa marijuana.

Matatandaang nang nakalipas na linggo ay una nang kinumpirma ng PNP crime lab na mayroong psychosis o severe mental disorder si Supt. Cabamongan dahil sa epekto ng iligal na droga.

Sa ngayon, magbibigay ng kopya ng resulta ng confirmatory test ang PNP crime lab sa Las Piñas City PNP para sa pagsasampanng kaso habang magsusumite rin sila ng resulta sa pnp Internal Affairs Service para naman sa pagsasampa ng kasong administratibo sa police officer na si Cabamongan.
Nation

Facebook Comments