Manila, Philippines – Hindi reinstatement sa halip binalik lamang sa duty si Supt. Marvin Marcos.
Ito ang nilinaw ni PNP Spokesman Police Chief Supt Dionardo Carlos sa harap na rin nang unang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na binalik sa kanyang position si Marcos.
Aniya matapos ang naging desisyon ng korte na ibaba sa homicide ang kasong murder ni Supt. Marcos ay agad na tinanggal ng PNP ang leave of absence ni Marcos.
Ibigsabihin nito ay maari nang makapagtrabaho ang grupo ni Supt. Marcos.
Nilinaw din ni Carlos na hindi pa naipapataw ang suspension demotion sa grupo ni Marcos matapos na maghain ng motion for reconsideration ang grupo ni Marcos sa Directorate for Personnel Records Management o DPRM.
Ngayong linggo o sa susunod na linggo aniya ay ilalabas na ang resulta ng inihaing motion for reconsideration ng mga ito.