Supt. Marvin Marcos na sangkot sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa, pinababalik sa serbisyo ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Ipinababalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa serbisyo si P/Supt. Marvin Marcos na una nang idinawit sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Sa kanyang pagdalo sa ika-26 na anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology, sinabi ng pangulo na dapat magtrabaho pa rin si Marcos habang hindi pa napapatunayang guilty siya sa Espinosa slay case.

Nito lamang nakaraang buwan nang makalaya si Marcos at 18 iba pa matapos na ibaba sa homicide ang charges laban sa kanila.


Sinag-ayunan naman ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang kagustuhan ni Duterte na maibalik sa pwesto si Marcos.

Aniya, tapos na ang suspensyon kay Marcos at sayang ang pinapa-sweldo rito kung hindi naman ito nagtatrabaho.

Sa ngayon, pag-aaralan pa ng PNP kung kailan magsisimulang muli sa trabaho ang grupo ni Marcos na posibleng italaga muli sa PNP-CIDG region 8.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments