Supt. Nobleza, sumailalim na sa tactical interrogation

Manila, Philippines – Sumailalimna sa tactical interrogation si Supt. Maria Cristina Nobleza na inaresto dahilsa umano’y pakikipag-ugnayan sa Abu Sayaff.
 
Ayon kay PNP Chief RonaldDela Rosa – hindi lahat ng sinabi ni Nobleza ay pinaniniwalaan niya gaya nalamang sa pagsasabi nito na isa siyang deep penetration agent na sinubukangmangalap ng impormasyon sa mga miyembro ng Abu Sayaff.
 
Paliwanag ni Dela Rosa –wala kasing operation plan ang pagpasok ni Nobleza sa grupo ng mga bandido.
 
Inamin din anya ng pulisna ang napatay na si Zulkifli Binhir alyas ‘Marwan’ ang nagkasal sa kanila ngkasintahang bomb expert na si Renierlo Dongon.
 
 
Nakausap din ni DelaRosa si Dongon at sinabi nito na mahal na mahal niya si Nobleza.
 
Patuloy pangbineberipika ng PNP kung totoo ang mga sinasabi ni Nobleza.
 
 

Facebook Comments