Surfer mula sa Brazil naging kampeon sa 23rd Siargao International Surfing Competition

Surfer mula sa Brazil naging kampeon sa 23rd Siargao International Surfing Competition sa Cloud 9, Gen. Luna, Surigao Del Norte Kinilala ang nakakuha sa unang puwesto at papremyong US $12,000 na si Raoni Monteiro mula Brazil. Ikalawa sa ranking si Tomas King mula Costa Rica na may papremyong US $6,000 at nasa ikatatlong puwesto naman sina Nic Vonn Rupp ng Portugal at Lucca Masinas Novarro ng Peru na parehong nakatanggap ng US S4,000 bilang papremyo. Sa Siargao International Surfing Competition, itinaas ng World Surfing League ang qualifying points mula QS1,500 at ginawang QS3,000. Sa kabuuan, umabot sa 112 surfers mula sa iba’t ibang bansa ang sumali.

Facebook Comments