Surge ng COVID-19 cases sa Dumaguete, itinuturing ng OCTA Research na ‘serious concern’

Itinuturing ng OCTA Research Group na “serious concern” ang Dumaguete City, Negros Oriental dahil sa nararanasang surge ng COVID-19 cases.

Ang Dumaguete City ay nakapagtala ng 129% one-week growth rate at average daily attack rate (ADAR) na 70 per 100,000 population, na ikina-classify bilang “extremely high-risk”.

Bukod dito, itinuturing na “areas of concern” ang Iloilo City, Butuan City sa Agusan del Norte, Tacloban City sa Letye, at Polomolok sa South Cotabato dahil sa mataas na COVID cases, mataas na hospital occupancy at mataas na ADAR.


Ang Tagum City sa Davao del Norte, Legazpi City sa Albay, at Tagbilaran City sa Bohol ay ikinokonsiderang “emerging hotspots” dahil sa one-week growth rates at mataas na ADAR.

Facebook Comments