Bumabagal na ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 infections sa Mindanao.
Sa monitoring ng OCTA Research, bumagal ang surge ng kaso sa Mindanao lalo na sa Davao City.
Ang hospital bed occupancy rate sa Davao City ay nananatiling nasa “safe” level na mababa sa 60-percent, habang ang positivity rate ay nasa 12-percent habang ang reproduction number nito ay nasa 1.46.
Pero itinuturing pa ring ‘areas of concern’ ang mga siyudad ng Bacolod, Cagayan de Oro, Iloilo, Dumaguete, Butuan, Tuguegarao, Cotabato, at Tacloban.
Mataas pa rin nag hospital occupancy sa Cagayan de Oro at Zamboanga City.
Ang Dumaguete ay nakakaranas pa rin ng surge ng bagong kaso.
Bahagyang bumagal ang upward trend ng kaso sa Bacolod at Iloilo, habang nakikitaan ng pagtaas ng kaso sa Tacloban.
Sa Metro Manila, ang average number ng daily cases ay bumaba ng 17-percent sa 926 cases mula nitong June 4 hanggang 10.
Ang reproduction number sa NCR ay nasa 0.72 habang ang daily attack rate ay nasa 6.7, ibig sabihin ay “moderate” ang risk level sa rehiyon.
Bumaba sa walong porsyento ang positivity rate sa NCR habang ang hospital care utilization ay bumaba sa 36-percent, gayundin ang ICU occupancy rate na nsa 49-percent.