Matatagalan pa bago humupa ang Omicron variant surge sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research group na posibleng sa Marso o Abril pa matapos ang kasagsagan ng Omicron variant.
Paliwanag ni David, bagamat pababa na ang mga kaso sa National Capital Region (NCR), Cavite at Rizal ay pataas pa lamang aniya ang trend sa ibang mga rehiyon habang hindi pa nagkakaroon ng pagtaas o peak sa iba pang mga lugar.
Kapag humupa na aniya ang Omicron variant sa Marso o Abril, makikita na ang less than 1,000 cases sa kada-araw, pero hindi pa ito garantisado sa ngayon.
Hindi parin masabi ng OCTA na maibababa na sa Alert level 2 ang NCR pagsapit ng Pebrero.
Facebook Comments