Surge sa COVID-19 case dahil sa Omicron variant, hindi pa nakikita ng OCTA

Hindi pa nakikita ng OCTA Research Team na magkakaroon ng surge ng COVID-19 sa bansa bunsod ng Omicron variant.

Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, base sa pangunahing datos, ang isang may Omicron variant ay kayang makahawa nang hanggang 10 tao pero maaaring bumaba ng isa kung bakunado ito.

Mababa rin aniya ang posibilidad na bumalik sa lockdown ang Metro Manila batay sa paunang impormasyon.


Tinikay rin ni David na pinaghahandaan pa rin ng pamahalaan oras na makapagtala sila ng kaso nito sa bansa.

Sa pinakahuling tala, umakyat na sa 35 ang bilang ng mga bansang nakapagtala ng kaso ng Omicron variant.

Facebook Comments