Surigao City, niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

122

Surigao City – Tinamaan ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Dinagat at naramdaman pa sa kalapit na siyudad partikular Sa surigao kaninang alas nueve ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang naging sanhi ng paggalaw ng lupa sa lalim na 45 na kilometro.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 4 km ng north east ng San Jose, Dinagat.
Naramdaman ang lakas na intensity 4 sa Surigao City.
Walang napaulat na nasaktan nasira sa malakas na lindol habang wala na ring inaasahan pang aftershock.

Facebook Comments