Muling niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Bayabas sa Surigao del Sur kaninang 6:19 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, ang naturang pagyanig ay aftershock ng nakalipas na malakas na magnitude 5.7 noong September 21, 2020.
Base sa ulat ng PHIVOLCS, natunton ang sentro ng pagyanig sa layong 99 na kilometro sa hilagang kanluran ng Munisipalidad.
Tectonic ang pinagmulan nito na may lalim na 24 na kilometro.
Bandang alas-6:07 ng umaga rin kanina ng maramdaman ang magnitude 4.6 earthquake sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
Sa bahagi naman ng karagatan ang epicenter ng lindol na may layong 438 na kilometro.
Pagtitiyak ng PHIVOLCS, walang dalang pinsala ang magkasunod na lindol pero inaasahan pa ang mga aftershock sa bayan ng Bayabas sa Surigao del Sur.