Niyanig ng Magnitude 3.6 na Lindol ang bahagi ng Surigao Del Sur kaninang madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro nito sa layong 14 Kilometro timog-silangan ng lingig.
May lalim itong 16 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang naidulot na pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.
Facebook Comments