Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang bayan ng Bayabas, Surigao del Sur nitong Huwebes ng umaga.
Sa datos ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ito kaninang alas-6:10 ng umaga.
Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 15 na kilometro.
Wala namang inaasahang pinsala pero magkakaroon ng aftershocks.
Facebook Comments