Manila, Philippines – Nagpaalala ang Food and Drug Administrations (FDA) sa publiko na suriing mabuti ang mga binibiling pagkain ngayon nalalapit na pasko.
Ayon kay Timothy Mendoza, food regulation office ng FDA, dapat na bumili lamang ng pagkain mula sa reputable food sources, suriin ang physical condition ng produkto at iwasan ang pagbili ng mga dented, bulging o deformed na canned goods.
Aniya, basahin rin muna ang food labels kabilang ang ingredients at allergens declaration at tiyakin ring hindi pa expired ang pagkain.
Sinabi rin ni Mendoza na mas makabubuti kung iiwasan ang mga pagkaing walang label o ni-repacked at mabibili kung saan-saan.
Facebook Comments