SURIP PILGRIMAGE SITE SA BANI, HANDA NA PARA SA HOLY WEEK

Para sa mga debotong Katoliko, isa sa mga makabuluhang paraan ng pagninilay-nilay tuwing Semana Santa ay ang pagpunta sa mga Pilgrimage Sites.

Kaya naman ngayong darating na Lenten Season, maari niyo nang isama sa inyong mga pupuntahan ang Surip Pilgrimage Site sa Centro Toma, Bani, Pangasinan.

Dito ay masisilayan ang Redeemer’s Cross na isang popular na puntahan ng mga mananampalataya tuwing Holy Week.

Sa tahimik nitong kapaligiran, maaring makapagnilay-nilay habang pinagmamasdan ang magandang tanawin dahil mula rito ay masisilayan rin ang ganda ng dalampasigan ng Surip.

Kaya karamihan sa mga nagpupunta rito ay diretso na rin sa kanilang beach getaway bilang bahagi ng kanilang bakasyon ngayong Semana Santa.

Kamakailan ay nagsagawa ng clean-up drive ang MDRRMO na dinaluhan ng iba’t ibang institusyon bilang paghahanda sa dagsa ng mga turista.

Sa paanong paraan man natin gunitain ang Lenten Season, nawa ay maisabuhay natin ang tunay na diwa nito – ang muling pagpapa-alala sa matinding pagmamahal ng Diyos sa atin, na maaari nating suklian ng pagmamahal sa sarili, sa kapwa, at sa kaniya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments