Matapos makatanggap ang ilang lugar sa bayan ng Asingan ng Resolution of Retention of its Drug-Cleared Status, ay patuloy parin ang isinasagawang mandatory surprise drugs test sa mga barangay officials, CVOs at ang mga PWUD. Ito ay unang hakbangin ng lokal na pamahalaan katuwang ang PNP, DILG, PDEA at lahat Ng Kapitan at Kagawad ng bawat lugar sa nasabing bayan.
Ang nasabing mandatory drug test na isinagawa ng LGU Asingan ay upang mapanatili ang itinalaga ng PDEA noong nakaraang buwan na dalawamput Isang barangay sa bayan Ng asingan ang 100% drug cleared na.
Samantala, Ang Mayor ng Asingan ay mahigpit na nagpaalala na ipagbigay alam lamang sa kinauukulan ang mga mapapansing kahinahinalang tao o di kaya ay mga aktibidad na sa tingin mo ay may kakaiba. |ifmnews
Facebook Comments