Surprise Drug Testing, isinagawa para sa mga kawani ng PMO

Nagsagawa ng surprise drug testing ang Port Management Office (PMO) para sa mga Contract of Service (COS) at regular na kawani ng PMO National Capital Region-North.

Alinsunod ang nasabing aktibidad sa memorandum ng Philippine Ports Authority (PPA) ang “Institutionalization of a Drug -Free Workplace Policy in the Philippine Ports Authority”.

Samantala, nagsagawa rin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Manila ng isang symposium para sa mga kawani ng PPA.

Pinag-usapan sa nasabing symposium ang masasamang epekto ng ilegal na droga at ang drug education.

Hinikayat din ng PDEA ang mga kawani ng PPA na maging aktibo sa pakikilahok sa pag-iwas at pang-aabuso sa paggamit ng ilegal na gamot.

Facebook Comments