Isinagawa ng Municipal Veterinary Office ng Calasiao ang isang sorpresang inspeksyon at monitoring sa mga meat vendors sa bayan.
Dahil sa kagustuhan at mithiin ng LGU at ng pamunuan ng Municipal Veterinary Office ng bayan makaiwas sa virus gaya na lamang ng ASF o Bird flu ay kanilang pinapaigting ang pagmomonitor at inspeksyon sa mga nagbebenta ng iba’t ibang mga klase ng karne partikular na sa mga baboy, manok at mga isda.
Unang tinignan ng mga otoridad ang mahahalagang dokumento ng mga ibinebentang mga karne ay ang Meat inspection permit kung saan makikita rito na ang mga inilalakong mga karne ay ligtas para sa consumption o pagkain ng mga tao, bukod dito, makikita rin sa dokumentong ito ang maayos na naka-packed na nakabatay sa rules at regulations ng National Meat Inspection Service at ng Department of Agriculture.
Sa isinagawang inspeksyon at monitoring ng mga otoridad, sinabi ni Dr. Jorge Bandong, ang Veterinary Officer ng Calasiao sa IFM Dagupan na ginagawa nila ang lahat upang matignan lahat ng mga meat vendors kung sumusunod ang mga ito sa patakaran sa pagbebenta ng mga ito.
Ngunit sa dami ng kanilang inspeksyon, ay isa lamang ang tinderang si Myla Ocay, na nabigyan ng leksyon ng mga otoridad dahil sa wala itong maipakitang dokumento ay napansin walang permit ang ibinibenta nitong karne ng manok at aniya, ito umano ang unang beses nitong pagbebenta sa bayan ng Calasiao at kinuha lamang nito ang na-dressed ng manok na mula sa kanyang kapatid na nagbebenta rin ng karne sa bayan ng Mangaldan. Dagdag pa niya, mayroon naman umano itong permit at hindi lang nakapagdala ng papeles.
Ayon naman sa mga inspektor, pinagbigyan umano ang tindera dahil sariwa ang mga karne ngunit kung sa ikalawang pagkakataon ng kanyang violation ay kukunin na umano ang kaniyang paninda, bilang leksyon sa mga hindi tumatalima sa patakaran.
Samantala, nananatili pa rin epektibo ang inilabas na Executive Order Nos. na 0004 at 0005 na pinirmahan ng gobernador ng Pangasinan mula Pebrero 2 hanggang Marso 2 ngayong taon, kung saan ipinagbabawal sa lalawigan ang pagpasok ng buhay na baboy, karne ng baboy, anumang by-products ng baboy, itik, pugo, inahing manok (culled), hatching eggs, kalapati, gamefowl, ready to lay pullet, poultry at marami pang ibang poultry-by products. |ifmnews
Facebook Comments