SURRENDER | 4 na NPA, sumuko sa Saranggani Province

Saranggani – Apat na miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa 73rd Infantry Battalion sa brgy. Kinam, Malapatan Sarangani Province.

Kinilala ang mga sumuko na sina:

Dante Lumayas alias Pantat 24 anyos.
Dang Lumayas, 45 anyos.
Degoh Lumayas alias Bayabas, 30 anyos.
Malkuni Lumayas alias Lawin 30 anyos.


Isinuko rin ng mga ito ang
dalawang M16 rifle, isang Garrand Rifle, isang IED (Improvised Explosive Device) at dalawang Handheld Versa Radio.

Ayon kay alyas Pantat, isa sa mga sumuko, iniwan nila ang kanilang grupo sa takot na maipit sa engkwentro sa pagitan ng kanilang grupo at ng tropa ng pamahalaan.

Bukod dito, sawa na rin aniya sila sa pagtatago.

Ang mga sumukong ito ay ipiprisinta sa Lokal na Pamahalaan ng Sarangani Province upang mabigyan ng assistance at upang mai- enroll na rin sa Comprehensive Local Integration Program (CLIP), kung saan mabibigyan sila ng livelihood assistance at tulong pinansyal.

Facebook Comments