Manila, Philippines – Sumuko sa militar ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.
Ayon kay 6th Infantry Division Commander B/Gen. Cirilito Sobejana, mga miyembro o tauhan ni Gani Saligan isang faction ng BIFF ang mga sumukong terorista.
Pero Saligan ay patuloy pa ring pinaghahanap ng militar.
Ang grupo nila ay notoryus na nag-ooperate sa may bahagi ng south-western ng Liguasan Marsh.
Sinabi ni Sobejana na kabilang sa anim na sumuko na BIFF members ay si Dido Malawan, 45-anyos at deputy Brigade Commander ng BIFF’s 2nd Division.
Sa pahayag ni Malawan, sinabi nitong wala ng dahilan para sila ay patuloy na makipaglaban sa pamahalaan.
Isinuko ng mga sumukong BIFF members ang kanilang dalawang Rocket Propelled Grenade Launchers, dalawang Cal 50 Sniper Rifles, 1 M14 rifle at isang Cal 30 Bolt Action Sniper Rifle.