Surveillance at information drive kaugnay ng Japanese encephalitis – mas pinaigting ng lokal na pamahalaan ng San Fernando, Pampanga

San Fernando, Pampanga – Matapos ang kumpirmadong pagkamatay ng dalawang tao sa San Fernando, Pampanga ngayon taon dahil sa Japanese encephalitis, mas pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ang pagmo-monitor ng kaso ng nasabing mosquito borne disease.

Sa interview ng RMN kay Dr. Reinalyn Tungkol ng City Health Office – sinabi niya na pinaigting nila ang information drive sa publiko kaugnay sa Japanese encephalitis.

Mahigpit din aniya ang surveillance sa mga lugar sa posibleng “breathing site” ng mga lamok na carrier ng Japanese encephalitis.


Nabatid na inaantay na ng DOH na mairehistro sa Food and Drugs Administration ang mga bakuna para sa Japanese encephalitis

Ang Japanese encephalitis ay sakit na nakukuha sa kagat ng lamok, ilan sa mga sintomas nito ay sakit ng ulo, lagnat at pagsusuka.
Karamihan sa mga kaso nito ay mild cases lamang pero mayroong ilang kaso na nagdudulot ng kumplikasyon kabilang ang pamamaga ng utak na nagiging sanhi ng kamatayan.

Facebook Comments