Naniniwala ang nakararaming Pilipino na dedepensahan ng Estados Unidos ang Pilipinas kapag sinalakay ito ng ibang bansa.
Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 61% ang tiwala sa mutual defense treaty ng Pilipinas at U.S.
Nasa siyam na porsyento naman ang hindi tiwala habang 30% ang undecided.
Pinakamarami ang sumang-ayon sa survey ay galing sa balance Luzon, na sinundan ng Metro Manila, Visayas at Mindanao.
Ang mutual defense treaty ay isang kasunduan na nilagdaan ng dalawang bansa noong 1951.
Sa ilalim nito, kapwa ipagtatanggol ng mga bansa ang isa’t-isa kapag sinalakay ng mga dayuhan.
Isinagawa ang survey mula June 27 hanggang 30 sa 1,200 respondents.
Facebook Comments