Manila, Philippines – Umakyat sa 1.4 million na pamilyang Filipino ang nabiktima ng krimen.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 6.1 percent ang bilang ng mga nabiktima ng pagnanakaw, carnapping at physical violence.
Mas mataas ito kumpara sa 5.3 percent noong Hunyo.
Pimakamarami ang nabiktima ng property crimes, sinundan ng street robbery.
Marami ring kaso ng break-ins o panloloob at carnapping.
Bahagya namang nabawasan ang nagsabing takot silang mabiktima ng pagnanakaw.
Habang hindi masyadong gumalaw ang bilang ng nakakararamdam na hindi pa ring ligtas sa kalsada at maraming drug addict sa kanilang lugar.
Facebook Comments