Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng pamilyang Pilipino na nabibiktima ng common crimes sa nakalipas na anim na buwan.
Nakapaloob sa common crimes ang mga insidente ng pagnanakaw, akyat-bahay, carnappping at physical violence.
Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 6.6% o katumbas ng 1.5 million na pamilya ang nagsabing nabiktima sila ng common crimes.
Mas mababa ito kumpara sa 7.6% o 1.7 million na naitala noong December 2017.
Isinagawa ang survey mula March 23 hanggang 27 sa 1,200 respondents.
Mula taong 1989, tinatanong na ng SWS ang kanilang mga respondent every quarter kung sila ay nabibiktima ng common crimes.
Facebook Comments