Survey Firm naniniwala na babalik ang trapo kapag si BBM ang nanalong Presidente.

Kalahati umano ng mga Pilipino ang kumbinsido na manunumbalik lamang ang Traditional Politics kung mananalo sa Halalan  2022 si dating senador at presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Batay sa resulta ng Non-Commissioned Survey ng Tangere isang award winning team na nagbibigay ng real time actionable market insights para sa Public at Private Sector noong December 13.

Napag-alaman  na sa mahigit kalahati o 52 percent ng 1,200 na sinurvey mula sa Luzon,Visayas at Mindanao ang nagsasabing hindi aangat ang kanilang buhay kapag nanalo si Marcos.


Ayon kay Tangere CEO at Founder Martin Peñaflor, ang mga mahihirap na Sektor ang nawalan ng tiwala kay Marcos, kung kayat maghahanap ng alternatibong leader sa katauhan ni Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao.

Sinabi pa ni Peñaflor na naniniwala ang mga taga Metro Manila na bumoto noon kay dating Senador Mar Roxas na kung ito ang nanalo noong taong 2016 ay wala din magiging pagbabago sa bansa.

Nabatid na 30 percent lang ng mga survey ang naniwala na isang strong leader si Marcos.

Facebook Comments