Manila, Philippines – Aabot sa 52.8 million Filipino adults ang walang bank accounts.
Batay sa 2017 financial inclusion survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 60% ng mga respondents ang nagsabing hindi sapat ang kanilang pera bilang pangunahing dahilan kung bakit wala silang bank accounts.
21% naman ang nagsabing hindi nila ito kailangan habang 18% naman ang kulang sa kinakailangang dokumento para magbukas ng bank account.
Binanggit din sa survey na 10% naman ang nangatwiran ng high cost, siyam na porsyento ang nagsabing kulang ang kanilang kaalaman sa account opening.
Lumabas din sa survey na aabot sa 15.8 million na Pilipinong may account o 22.6% ng populasyon ay may edad 15 at pataas.
Ang pagkakaroon ng account ay maaring magamit sa pag-iipon ng pera, pagtanggap ng sahod, pagpapadala o pagtanggap ng remittance at pagbabayad ng bill.