Survey, hindi dapat gawing batayan sa pagboto – political analyst

Hindi dapat binibigyang halaga ng mga botante ang mga lumalabas na survey kaugnay ng eleksyon 2022.

Para kay Prof. Michael Yusingco ng Ateneo de Manila University Policy Center, walang kwenta ang mga survey dahil una sa lahat, wala naman itong ibinibigay na mahalagang impormasyon tungkol sa mga kandidato at kanilang mga plataporma.

Dagdag pa ng political analyst, ang totoong survey ay ang mismong araw ng eleksyon.


Kasabay nito, pinayuhan ni Yusingco ang mga botante na gawing batayan sa pagboto ang plataporma, track record at character ng mga kandidato, na mga bagay na wala sa mga pre-election survey.

Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa nitong Abril, nangunguna pa rin si presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos na may 56% at ang running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte na may 55% sa vice presidential survey.

Facebook Comments