Manila, Philippines – Mayorya ng mga Pilipino ang hindi na humihiram ng libro mula sa mga aklatan.
Base sa 2017 readership survey ng National Book Development Board (NBDB), isa sa bawat 10 Pilipino o 11.19% na lamang ang humihiram ng libro sa mga library.
Nasa 12% ng mga respondents lamang ang batid na may library sa kanilang barangay.
41% naman ang nagsabing may alam silang malapit na aklatan sa kanilang lungsod o bayan.
Lumabas din sa survey na 37.74% ng mga Pilipino ang humihiram ng libro sa pamilya, kamag-anak o kaibigan, 33.98% ng mga Pinoy ang nakakatanggap ng libro bilang regalo habang 25% naman ang bumibili ng libro sa mga bookstores.
49.2% ng mga Pinoy ang nagsabing nagbabasa sila ng libro halos isang beses sa isang linggo habang 22.1% naman ang nagsabing nagbabasa sila halos isang beses kada buwan.
Isinagawa ang survey mula May hanggang June 2018 sa 1,200 adult Filipinos, may edad 18-anyos pataas sa buong bansa.
Mula nitong 2016, aabot sa 1,416 libraries ang affiliated sa National Library of the Philippines.