RALLY | 13 patay sa suicide attack sa Afghanistan

Afghanistan – Patay ang 13 katao sa nangyaring suicide attack sa election rally sa Nangarhar Province, Afghanistan.

Ito ang kauna-unahang pag-atake mula nang nagsimula ang election campaign.

Sa ulat, nangyari ang pagsabog sa lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga tagasuporta ni parliamentary candidate Abdel Naser Momand.


Nakatakdang gawin ang halalan sa October 20.

Nagbabala naman ang Taliban at Islamic State Group na ibo-boycott ang botohan.

Facebook Comments