Manila, Philippines – Marami pa rin Pilipinong bank clients ang nag-aalangan na digital banking.
Base sa financial inclusion survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nasa 1.3% lamang ng mga Filipino adults ang may e-money accounts.
Ang mga kasalukuyang kliyente at mga potensyal na customer ay nagdududa pa rin sa seguridad ng online transactions at e-payments.
Nasa 46% ng mga Pilipino na may bank accounts na may access sa internet at mobile banking ay hindi sigurado tungkol sa banking digitization.
Ito ay kahit 70% ng mga adults na may bank accounts ang nagsasabing mas convenient at mabilis ang remittance transaction sa pamamagitan ng e-payments.
Ilan sa mga concern ng mga account holders tungkol sa e-payments ay ang isyu na hacking, personal security breach at hindi ligtas na pag-access.
Sa ngayon, ang BSP ay bumubuo ng digital finance ecosystem para matiyak ang security, convenience at affordable rates ng e-payments sa ilalim ng programa nitong The National Retail Payment System.