Hindi na nabigla pa ang Palasyo sa lumabas na resulta ng Social Weather Stations survey kahapon kung saan lumalabas na ang China ang ” least trusted country” ng mga Pilipino na may net trust rating na -33.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo isinagawa ang survey nuong September 27 – 30 kaya’t katanggap tanggap ang resulta dahil sa paninindigan ng China na hindi kumikilalala sa panalo ng Pilipinas sa ruling ng the Hague kaugnay sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Panelo na sa kabila ng territorial dispute hindi ito sumasalamin sa kabuuang relasyon ng Pilipinas sa China.
Iginiit ng tagapag-salita ng Palasyo na kaysa pilitin mas gugustuhin ng Gobyerno na intindihin at respetuhin ang pananaw ng mga Pilipino sa China.
Kasunod nito naniniwala ang Malakanyang na mababago din kalaunan ang pagtingin ng mga Pilipino sa China sapagkat marami umanong benepisyong nakukuha ang Pilipinas dahil Sa Independent Foreign Policy na ipinatutupad ni Pang Rodrigo Duterte .
Maaari din aniyang mag-silbing role model ng Pilipinas ang China hindi man para tuluyang wakasan ang kahirapan kundi kahit mabawasan manlang ang poverty sa bansa.