Manila, Philippines — Kinontra ng Malacañang ang resulta ng isang survey ng IBON Foundation na nagsasabing lalong naghirap ang mga mahihirap at lalo namang yumaman ang mga mayayaman noong nakalipas na taon.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, lalong mararamdaman ng mamamayan ngayong taon ang mga benepisyo mula sa mga proyekto ng administrasyon.
Inaasahan din aniya ang mas mataas na gross domestic product ngayong taon dahil mas marami ang pumasok na investment sa bansa.
Marami rin aniyang malilikhang trabaho ngayong taon dahil naman sa malalaking infrastructure projects.
Facebook Comments