SURVEY | Pananaw ng mga mamimili, naging negatibo – BSP

Mas naging negatibo ang pagtingin ng mga mamimili sa huling quarter ng 2018.

Batay sa Consumer Expectations Survey (CES) survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, bumagsak ang Confidence Index (CI) ng mga consumer sa negative 22.5 percent mula sa negative 7.1 percent noong ikatlong quarter ng taon.

Ayon kay BSP Department of Economic Statistics Head Redentor Paolo Alegre Jr., ito na ang pinakababa sa loob ng apat na taon.


Aniya, patunay ang survey na mas maraming Pilipino ang pessimists o negatibo ang pananaw.

Isinagawa ang survey noong October 1 hanggang 13 sa may 5,609 respondent na nagsabing negatibo ang kanilang papanaw dahil sa mataas na presyo ng bilihin, mababang sweldo, kawalan ng umento sa sahod, mataas na gastos sa bahay at mataas na unemployment rate.

Facebook Comments