Manila, Philippines – Malaki ang ibinaba ng approval at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong ikatlong kwarter ng taon.
Base sa survey ng Pulse Asia, nakakuha ang Pangulo ng 75% approval at 72% trust score.
Mababa ito kumpara sa 88% approval at 87% trust rating noong ikalawang kwarter.
Pero sa kabila nito, nananatiling pinagkakatiwalaan at maaasahang top national official ang Pangulo.
Nakakuha naman si Vice President Leni Robredo ng 61% approval at 56% trust ratings.
Si Senate President Tito Sotto ay nakakuha naman ng 73% approval at 66% trust rating.
Si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio naman ay nakakuha ng 42% approval at 33% trust score.
Pinakamababa naman ang nakuhang trust rating ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nasa 19%.
Isinagawa ang survey mula September 1 hanggang 7, 2018 sa 1,800 respondents.